Sa aking huling blog post, ikinuwento ko kung papaano ko nakilala ang Baybayin, ang sulat ng mga Tagalog. Ngayon naman, sa ikalawang yugto, ang sulat naman ng mga Tagbanwa o Palaw’an ang ikukwento ko sa inyo. __________________________________________________________ Bago makilala ang sulat Tagbanwa Nang matutunan ko ang pagsulat ng Baybayin, nais ko itong tutukan. Kulang pa ang nalalaman ko tungkol dito kaya ito lamang ang writing system na inaalam ko. Nang malaman kong may iba pa bukod dito ay hindi ko pinansin sapagkat ang mga sulat na ito ay iba ang lenggwaheng ginagamit. Noon ang pagkakaakala ko ay ang Baybayin ay para lamang sa wikang Tagalog. Ako ay laking Maynila ngunit ngayon dito na ako sa Palawan naninirahan kaya’t ninais ko ring malaman ang kanilang sulat, ang Tagbanwa o Palaw’an. Ngunit hindi ako marunong ng kanilang salita kaya kung aaralin ko ang kanilang sulat ay wala ring halaga sapagkat hindi ko rin ito magagamit. Pagkilala ko sa sulat Tagbanwa Na...