Sistema Ng Pagsulat Ng Baybayin O Panitik Na Tagalog
SISTEMA NG PAGSULAT NG BAYBAYIN O PANITIK NA TAGALOG (isinulat ni M.K. Salada ng sulatinx.blogspot.com ) Habang tumatagal ay padami na ng padami ang mga nagkakainteres na matutong sumulat ng Baybayin (panitik na Tagalog sa Unicode ). Kasabay nito ang pagdami rin ng mga naguguluhan kung sa anong sistema o method nila ito isusulat. Sa ngayon, mayroong dalawang sistema o bersyon ng pagsulat ng baybayin, ang tradisyonal na pamamaraan at ang bagong pamamaraan. Traditional o lumang sistema ng pagsulat ng baybayin. Ito ay ang pagsusulat ng baybayin na ginagamit ng ating mga ninuno noong hindi pa tayo nasasakop ng mga dayuhan. Ito ay hindi ginagamitan ng mga pamatay-patinig na virama ( x ), krus ( + ) o pamudpod ( ᜴). Tanging ang labing pitong mga karakter ng baybayin, mga kudlit sa itaas at sa ibaba, at mga palihis na guhit ( / ). Reformed o bagong sistema ng pagsulat ng baybayin. Salungat sa tradisyonal, ang bagong pamamaraan ng pagsulat ng baybayin ay gumagamit n